Hindi pa ba sapat ang pananatili na isang tulad ko?
Maaaring hindi mo pa rin mahinuha ang nais kong ipakahulugan.
Alam kong hindi ako karapat-dapat sa atensyon mo
Sa kadahilanang; isang maliit na bahagi lang ako ng nakaraan.
Minimithi ko lamang na magmula sana sa iyo
Ituran mo sa akin kung ano ang iyong damdamin
Huwag mong gawing maulap ang aking isipan
Sapagkat hindi ako makapag-umpisa muli
Maraming suhestiyon na isagawa ko ito, iyon
Subalit kailangan ko ang kaliwanagan
Kaliwanagan na ikaw lamang ang susi
Ayokong pumalaot na walang kasiguruhan
Alam kong kaya ko, pero hindi ko nais magpadalos-dalos
Hindi rin mainam na sundin ko ang iba bago ang aking sarili
Hindi sila ako, payo at opinyon lamang ang tangi nilang maihahandog
Nawa'y gabayan mo ako mapagmahal na AMA.